• 1
Saturday, July 21, 2018

THE CHEF'S CULINARY AWARD NG LCUP IGINAWAD SA TAMBALANG NATIVIDAD-GATCHALIAN


 width=Lungsod ng Malolos.
Iginawad ang The Chef's Culinary Award kay Mayor Christian D. Natividad at Vice Mayor Gilbert T. Gatchalian ng Sining Kulinarya mula LaConsolacion University Philippines noong ika-18 ng Oktubre, 2017 sa BarCie International Center. Ang The Chef's Culinary Award ay isang pamosong pagkilala sa mga naging ambag at pagpapatuloy sa pagpapahalaga ng pamanang kaluto ng Malolos maging sa buong bansa.

Pinarangalan sa nasabing gabi ng pagkilala sina Mayor Christian D. Natividad at Vice Mayor Gilbert T. Gatchalian para sa kanilang pakikiisa at suporta sa natatanging kontribusyon ng Bulakenyong Mangangalakal sa larangan ng pagluluto na nagpapamalas at nagpayabong sa kultura ng Malolos na patuloy pa rin hanggang ngayon. Binigyang pagkilala din si Abgdo. Niño Bautista Bautista - Konsehal ng Malolos sa kanyang adbokasiyang mapalaganap nang higit ang kalutong kinagisnan ng ating mga ninuno. Sa ikalawa namang pagkakataon ay iginawad kay Gng. Mercy D.J. Antonio ang pagkilala sa kanyang natatanging kontribusyon sa larangan ng pagluluto ng Empanada De Kaliskis na naging isang kilalang klasikong miryendang minahal ng mga Malolenyo at mga turistang dinarayo ang nasabing pagkain. Si G. Gregorio S. Dela Cruz o mas naging tanyag bilang sa tawag na Ka Gorio dahil sa kanyang Special kakanin na katuwang ang kaniyang asawang si ka Mimi ay ginawaran din ng nasabing pagkilala. Maging ang Valenzuela Bahay Pawid ay binigyang pagkilala dahil sa sikat nitong lugaw na binabalik-balikan at naging isa sa hinirang na Best Lugaw sa buong Pilipinas. Naging bahagi din si Konsehal Enrico Capule ng programa bilang siya ang Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Kultura na malaki ang nagiging ambag sa pangangalaga sa mga pamana ng ating lahi sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas na proprotekta sa mga ito

Kaalinsabay ng mga pagkilala ay ang pagtatapos ng mga culinary students ng LCUP na sina: Nirma S. Lim, Joan M. Paulino, John Vincent S. Quitlong, Irene L. Garrido, Adrielle Maurice S. Adriano, Reyven Jethro T. Dela Cruz at si Jayvee Amigable na binusog ang mga bisita ng kanilang mga putaheng tunay namang makakalimutan mo ang pangalan mo sa sarap. Buong pusong pasasalamat sa mga naglaan oras, panahon at talento sa katuparan ng gawain na ito sina Chef Jeremy C. Malcampo - Director, Culinary Arts, General Manager of Cafe Barcelo Food Services and Assistant Dean at CITHM, maging si Chef Gian Carlo C. Cerezo - Assistant to the Director, Cafe Barcelo Food Services at si Gng. Rossette C. Tanwangco - OIC, CITHM. Nagpasalamat naman sa lahat ng dumalo si Chef Ariel Ong San Pedro - Instructor - LaCo CITHM. "Cooking is an art. The process of preparing a meal is creative, therapeutic and is a gift to those you share the meal with."

50th Diocesan Jubilee

 
image

Canonization of Miraculous Image

Malolos in Bulacan is so much part of the country’s colored past as many of the patriots and heroes of our history has links to this bustling city of the present. Citing all the historical events that took place in Malolos, especially those with reference to the short-lived first Philippine Republic can very well fill a sizeable book.

More Information