• 1
Thursday, September 21, 2017

‘Sisterhood’ deal ng Lungsod ng Malolos at Guam, lilikha ng trabaho

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan - Trabaho para sa mga Pilipino ang bitbit ng Mayor’s Council of Guam sa pakikipag-usap nito sa pamahalaang panlungsod ng Malolos kamakailan hinggil sa isang sisterhood arrangement.

Tinanggap ni Mayor Christian Natividad sina Angel Sablan, executive director ng Council, Vicente San Nicolas, alkalde ng Asan Maina, at Vicente Taitague, alkalde ng Talofofo, na naghandog din ng mga relief good sa mga apektado ng baha sa Malolos.

“The sisterhood arrangement aims to foster close relations between the two countries, be a venue of exchange of good practices in governance, and will provide employment opportunities for the people of Malolos (Layunin ng sisterhood arrangement ng palakasin ang relasyon ng dalawang bansa, maging lugar ng palitan ng magagandang halimbawa sa pamamahala, at magbigay ng trabaho),” anang City Information Office sa isang pahayag.

Sinabi ni Sablan na kailangan ngayon sa Guam ang mga mason, tubero, electrician, at mga construction worker para sa mga planong pang-imprastraktura roon.

Pinuri rin ni Sablan ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa Guam dahil sa kanilang mga kakayahan at pagpapahalaga sa mga pamilya sa Pilipinas na kanilang sinusuportahan. Kalamangan din ng mga Pilipino sa pagtatrabaho sa ibang bansa ang kanilang husay sa wikang Ingles, dagdag ni Sablan.

Napag-usapan din ang pagpapalakas sa turismo kung saan pamoso ang munisipalidad ng Asan Maina sa mga makasaysayang pook nito at mga lugar pangturismo habang ipinagmamalaki naman ng Talafolo ang Land for the Landless Subdivision nito at mga proyektong pangkomunidad.

Inilibot naman ni Natividad ang mga delegado sa Simbahan ng Barasoian, ang pinagtatagan ng Unang Demokratikong Konstitusyon sa Asya, at sa kumbento ng Katedral ng Malolos na nagsilbi namang pulungan ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Unang Republika ng Pilipinas noong 1899.

Kabilang din sa mga tumanggap ng mga bisita sina Vice Mayor Gilbert Gatchalian, mga konsehal Alma Gatchalian, Francisco Centeno Jr., Alberto Ramos, Crispin Erjas, Dionisio Mendoza, at 14 na mga kapitan ng barangay. (WLB/VFC-PIA 3)

Source: PIA Press Release Tuesday, October 11, 2011 Vinson F. Concepcion

PROGRAMA AT GAWAIN (PANLUNGSOD NA TANGGAPAN SA PAGSASAKA)

Ang Panlungsod na Tanggapan sa Pagsasaka ng Malolos ay binubuo nang dalawang dibisyon – ang CROPS at FISHERY na nalikha alinsunod sa isinagawang “reorganizational program” ng pamahalaang lokal. Ito ay naglalayong mapagbuti ang serbisyong pansakahan at pampangisdaan.

Noong taong 2011, ang Tanggapan sa Pagsasaka ay may naisatuparang gawain at programa para sa pansakahan (crops/rice),

Read more: PROGRAMA AT GAWAIN (PANLUNGSOD NA TANGGAPAN SA PAGSASAKA)

The City Goes to Balayong

            BAYANIHAN SA BARANGAY, GOING STRONG AT 26

28 JUNE 2012, BALAYONG, MALOLOS CITY—Hundreds flocked to the barangay basketball court of this bustling agrofishery community to join in what has come to be known as “the mobile City Government” of Mayor Christian D. Natividad, going strong on its 26th leg since it began in January 2011.

Literally, Mayor Natividad’s “Bayanihan sa Barangay” is building a formidable team for progress out of the city’s 51 barangays, more than half of which had already experienced the energy and excitement of interacting with the city cheif executive, other city officials, and heads of the city government, right in their own

Read more: The City Goes to Balayong

Pangkabuhayan sa Barangay Program (ONE BARANGAY, ONE PRODUCT)

 Republic of the Philippines
Province of Bulacan
City of Malolos

text describing the image

 

 KABABAIHANG AKTIBONG SUMUSUPORTA SA ADHIKAIN NG MALOLOS

Read more: Pangkabuhayan sa Barangay Program (ONE BARANGAY, ONE PRODUCT)

PROPOSAL ON BARANGAY LIVELIHOOD CENTER

 PROPOSAL ON BARANGAY LIVELIHOOD CENTER
(Sentrong Pangkabuhayan sa Barangay)

A. BACKGROUND

            Unemployment is one of the major concerns of local government units. Over the years, the fast rising increased in population have created poverty everywhere most especially in the depressed area. Non Government Organization, Peoples Organization, through the help of financial institutions and expert in sustainable development often tried to initiate livelihood projects and programs but only small percentage succeeded. Mostly, the cause of failure of projects and programs was the marketing aspect. They taught how to do and produce but they disregarded the concept of

Read more: PROPOSAL ON BARANGAY LIVELIHOOD CENTER

Page 1 of 3