• Most Outstanding Local Chief officer

  • 1
  • 2
  • 3
Wednesday, May 24, 2017

Malolos nagsagawa ng kauna-unahang Newborn Hearing Screening Program

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan - Upang maka-iwas na maraming sanggol na may kapansanan sa pandinig, isinagawa ng pamahalaang panglunsod ng Malolos ang kauna-unahang Universal Newborn Hearing Screening Program ngayong taon sa Malolos Eye, Ear, Nose and Throat (EENT) hospital kamakailan.

Ayon kay Mayor Christian Natividad, ang programa ay kapaki-pakinabang upang matiyak ang kaligtasan ng mga sanggol na ipinapanganak sa lungsod.

Pinuri naman ni Dr. Charlotte M. Chiong, deputy director ng Philippine National Ear Institute ang lungsod sa pangunguna nito sa pagtataguyod para sa may 250,000 mamamayan ng lungsod.

Ayon sa St. Luke’s Medical Center, ang kapansanan sa pangdinig ay isa sa mga pinaka-karaniwang sakit ng mga sanggol sa buong mundo. Sinasabi na isa sa 1,000 bata na ipinapanganak ay may diperensiya sa pagdinig na nangangahulugan na kung dalawang milyong sanggol ay ipinanganak taun-taon, 200 sa kanila ay ipinanganak na may depekto sa pagdinig.

"Ang mga ganitong kapansanan ay maaring maagang makita sa pamamagitan ng screening at tamang pagbibigay ng medical treatment at rehabilitasyon," sabi ni Dr. Norberto V. Martinez ng St Luke's sa isang ulat.

Ayon din sa Newborn Screening Reference Center (NSRC), ang screening ay isang napakasimpleng paraaan upang makita at malaman kung ang sanggol ay may metabolic disorder na maaaring humantong sa mental retardation at maaari rin maging sanhi ng pagkamatay kung hindi maaagapang magamot.

“Karamihan sa mga sanggol na may metabolic disorder ay normal ang itsura sa simula ng pagsilang. Malalaman lamang ito kapag nagpakita na ng mga sintomas at mas madalas ay epekto nito ay hindi na maaring magamot,” said NSRC.

Ang naturang programa ay alinsunod sa Republic Act. 9709 o ang Universal Newborn Hearing Screening Act of 2009 na nag-aatas ng pagsasagawa ng programa para maka-iwas sa nasabing karamdaman at maagang pagsusuri upang mapigilan ang pagkabingi sa pamamagitan ng newborn screening na may kaukulang 550 pisong kabayaran.

Ang isinagawang Universal Newborn Hearing Screening Program ay naisakatuparan sa pamamagiong mula sa St. Francis School-VSA Arts Philippines, Inc., JICA Philippines, Malolos EENT Hospital, Department of Health, at ng Pamahalaang Panlungsod ng Malolos. (WLB/VFC-PIA3)

Source: PIA Press Release Saturday, January 14, 2012 Vinson F. Concepcion

Vice Mayor Bebong Gatchalian Nagsagawa ng Blood Letting Program

Nagiging suliranin ng ating mga kababayan ang kawalan ng dugo na magagamit sa biglaang pangangailangan nito. Ang ating mga pagamutan ay walang sapat na panustos para dito kung kaya’t hindi agad nalalapatan ng kaukulang lunas ang kanilang karamdaman. Upang tugunan ang suliraning ito, isang gawain ang inihanda ng Tanggapan ng Pangalawang Punong Lungsod, Malolos Rescue Team, Bulacan Blood Center at ilang volunteers groups “SA DUGO MONG ALAY, DUGTONG SA AKING BUHAY”, ito ay upang makakalap ng 200 bags ng dugo na ilalagak sa Bulacan Blood Center

Kaya naman madami nakiisa sa proyekto ito kasama sina City Kon. Alma Gatchalian , City Administrator Rizaldy Mendoza, ilan kawani ng City Government of Malolos at mga non government organizations. Upang matugunan ang sapat na pangangailangan ng mga mamamayan natin nangangailangan ng tulong. Ito ay isinagawa noong Abril 03, 2012 sa Bulwagang Pulungan ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos.