• 1
Thursday, September 21, 2017

Flood summit tinukoy ang paghahanda sa tag-ulan atbp

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan - Isang flood summit ang isinagawa ng Malolos kamakailan upang mapaghandaan at matugunan ang mga pagbaha na inaasahang posibleng maranasan sa pagpasok ng tag-ulan sa susunod na buwan.

Sa pangunguna ni Malolos City Mayor Christian Natividad, isinagawa ang pag-uulat ng iba’t ibang ahensiyang dumalo sa flood summit upang malaman ang tunay na sitwasyon sa problema sa pagbaha.

Ayon kay Natividad, hindi niya pinangarap na makilala ang Malolos bilang isang lungsod na bahain.

Dagdag pa ng alkalde na kahit kulang sa heavy equipment, huhukayin ng mano-mano ng mga Malolenyo ang mga kanal upang maiwasan na ang pagbabaha.Ang pagkahukay ng halos 43-kilometro na kanal sa Malolos ang nagligtas upang hindi lumubog ang malaking bahagi ng lungsod noong mga nakaraang bagyo.

“Sa taas ng bahang dinanas ng Calumpit, nagdumilat ang pangangailangan sa isang “holistic” at “integrated” approach kaya nais kong anyayahan ang mga taga-ibang bayan na sama-samang tugunan ang problema na dulot ng baha tuwing sumasapit ang panahon ng tag-ulan,” ani ng alkalde.

Dumalo sa nasabing flood summit ang kinatawan ng iba’t ibang local government units kabilang ang bayan ng Calumpit, Paombong, at Guiguinto, Bulacan Provincial Engineer’s Office, City Engineer’s Office, Department of Public Works and Highways, National Irrigation Administration, City Administrator’s Office, Task Force Waterways and Irrigation, at mga kinawatan ng resorts sa Malolos at kapitan ng mga bahaing barangay sa lungsod. (WLB/VFC-PIA3, Bulacan)

Source: PIA Press Release Wednesday, May 16, 2012 Vinson F. Concepcion

Bayanihan sa Kalinisan " Sabay-Sabay Tayo"

RASYONALE

            Ang Bayanihan sa Barangay ay isang programa ng Pamahalaaang Lungsod sa ilalim ng pangangasiwa ng Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad na pinasimulan noong Enero 2011 kung saan ay kalahok dito ang iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos na direktang nagbibigay ng kaukulang serbisyo sa bawat barangay na nasasakupan ng lungsod.

Read more: Bayanihan sa Kalinisan " Sabay-Sabay Tayo"