• 1
  • 2
  • 3
Tuesday, December 23, 2014

Bayanihan sa Kalinisan " Sabay-Sabay Tayo"

RASYONALE

            Ang Bayanihan sa Barangay ay isang programa ng Pamahalaaang Lungsod sa ilalim ng pangangasiwa ng Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad na pinasimulan noong Enero 2011 kung saan ay kalahok dito ang iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos na direktang nagbibigay ng kaukulang serbisyo sa bawat barangay na nasasakupan ng lungsod.

 

            Sa mga barangay na naging benepisyaryo na ng programa, may mga serbisyo at benepisyo na hindi na direktang pananagutan ng pamahalaang lungsod. Sapagkat, isa sa konsepto ng programa ay “BAYANIHAN”, isinusulong sa bawat barangay ang pagdadamayan, pagtutulungan at pagkakaisa upang matugunan nang mas mabilis at epektibo ang anumang suliranin o problemang hinaharap ng isang particular na barangay.

            Sapagkat, ang kasalukuyang problema na nakikita at inaasahang magbibigay ng malaki pang problema sa hinaharap ay ang problema sa basura, sa inisyatibong muli ng pamahalaang lungsod sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng pamahalaang barangay na nasasakupan nito at ng mga mamamayang mapagmalasakit at nagmamahal sa kapaligiran at sa kalikasan ay ipakikitang muli ng Malolenyo ang diwa ng bayanihan, ang Bayanihan sa Kalinisan!

LAYUNIN:

  1. Sama-samang paglilinis ng kailugan, patubig, estero, kanal at ng karagatan;
  2. Sama-samang paglilinis ng mga lansangan at kapaligiran;
  3. Isang pasimula ng sama-samang pagkilos ng mga Malolenyo para sa pagsisinop ng kalat at luntiang paligid at muling langhapin ang malinis na hangin;
  4. Maipakita ang pagkakaisa, pagbabayanihan at pagtutulungan ng mamamayang Malolenyo at maging ehemplo ng iba pang mamamayan ng iba pang mga bayan at ng buong lalawigan; at
  5. Maisakatuparan ang hangaring maging pinakamalinis na lungsod sa kalipunan ng mga lungsod sa buong bansa.

PROSESO NG IMPLEMENTASYON:

  1. Pulong ng mga lead agencies (CMO, CSWDO, CAs Office, GSO, ABC etc.)
  2. Pakikipagpulong sa mga Punong Barangay
  3. Pagsusumite ng talaan ng mga gaganap at makakaisa sa Bayanihan sa Kailugan
  4. Paglalabas ng CMO Memorandum para sa mga Punong Barangay, liham para sa mga halal at itinalagang mga pinuno ng pamahalaan at CA Memorandum para sa mga tanggapan na lalahok sa Bayanihan (pagtatalaga ng tauhan para sa monitoring at pakikisa sa programa sa mga barangay)
  5. Implementasyon ng programa (Mayo 5, 2011, 6:00 AM)

MGA KALAHOK AT TUNGKULING GAGAMPANAN:

  1. Lahat ng barangay sa lungsod ng Malolos (51) – batay sa bilang at pangalang isusumite ng pamahalaang na may talaan din sa CSWDO (4,000+). Maglilinis ng kailugan, patubig, sapa, estero, kanal.
  2. City Engineering Office – maglilibot sa kapatagan ng lungsod ng Malolos upang magtanggal ng mga “tarpaulins”na walang gamit o anunsyo (hal. Kandidato, patalastas,pabatid at iba pa na eye sore na lamang sa kapaligiran)
  3. General Services Office – kokolekta ng basurang basa o mga basurang galing sa mga sapa, ilog, kanal, estero
  4. Mga kawani mula sa iba’t-ibang tanggapan – tagamonitor ng mga naglilinis sa particular na barangay at kalahok din sa paglilinis. Sila ang kukuha ng “attendance” ng mga kalahok sa programa.
  5. CMO, CA, CSWDO – Magsasagawa ng implementasyon.
  6. CIO - dokumentasyon

PETSA NG IMPLEMENTASYON:

            Ang implementasyon ng Bayanihan sa Kailugan ay isasagawa sa Mayo 5, 2011 na magsisimula sa ganap na ika-6:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali.